
Naaresto na ng mga awtoridad ang dalawang Pilipino na umano’y kasabwat ng mga Chinese national.
Sinasabing may dala ang grupo ng mahigit 800 kilo ng droga na sakay ng speed boat na sumadsad sa Occidental Mindoro.

Tiniyak ni Sec. Vince Dizon na tuloy-tuloy pa rin ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways kahit nagpapatupad sila ng 4-day workweek.
Samantala, ipinapatupad naman ng Transportation Department ang pagsususpinde ng ilang biyahe at iba pang hakbang upang makatipid sa konsumo ng langis at enerhiya.

Patuloy ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga pasilidad na higit na mapapakinabangan ng publiko.
Bahagi ito ng EDSA rehabilitation upang magkaroon ng ligtas na daanan para sa mga pedestrian.
Kanina, isa sa mga proyekto ng DPWH ang kanilang ininspeksyon.

Hindi umano nagtrabaho kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang walo sa 18 ex-Marines na sinasabing ‘bagmen’ ng dating mambabatas.
Ito ang natuklasan ng National Bureau of Investigation sa pagpapatuloy ng kanilang pagsisiyasat sa affidavit ng mga ex-Marines.
Kaugnay nito, posibleng ipatawag ng ahensya ang isang retired general na nag-recruit umano ng mahigit 100 security personnel upang magtrabaho kay dating congressman.

Hinimok ng isang senador ang Department of Finance (DOF) na pagbigyan ang hiling na pagbabawas ng value-added tax (VAT) para sa mga maliliit na sektor.
Ito ay kasunod ng serye ng oil price hike ngayong linggo.