
Hindi pa man natatapos ang pagpapatupad ng staggered increase sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, nagbabala na ang Department of Energy sa publiko ng panibagong serye ng oil price hike sa susunod na linggo.
Ayon sa ahensya, may kinalaman pa rin ito sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Hindi pa nakikita sa ngayon ng pamahalaan ang pangangailangang umutang ng pondo bilang tugon sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Samantala, sinagot ng Malacañang ang paratang ni Vice President Sara Duterte na hindi umano napaghandaan ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. ang gulo sa Middle East.

- Presyo ng langis, posibleng umabot sa $200 kada bariles kung magpapatuloy ang pag-atake ng US – Iran
- DOF, hinimok na pagbigyan ang hiling na pagbabawas ng VAT para sa apektadong sektor
- 16 ex-marines, Atty. Baligod, ex-Cong. Defensor, dumating sa NBI

Sa pagpapatuloy ng tumitinding tagisan sa UNTV Volleyball League Season 4, matagumpay na nakuha ng Pag-IBIG Fund Lady Smashers ang kanilang unang panalo kontra MMDA Lady Spikers kahapon.
Samantala, naging matatag naman ang depensa ng PhilHealth Health Insurers at AFP Lady Gunnar, kaya naging matibay ang kanilang posisyon sa team standings.

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nagkaroon ng komplikasyon sa kaso ni Senator Rodante Marcoleta na hawak nila ngayon.
Ito ay may kaugnayan sa isyu ng umano’y hindi pagdedeklara ng senador sa tinanggap niyang kontribusyon noong nakaraang 2025 Elections sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).