Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nagkaroon ng komplikasyon sa kaso ni Senator Rodante Marcoleta na hawak nila ngayon.
Ito ay may kaugnayan sa isyu ng umano’y hindi pagdedeklara ng senador sa tinanggap niyang kontribusyon noong nakaraang 2025 Elections sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).






















