
Posibleng ituring na potential witnesses ng National Bureau of Investigation ang 18 nagpakilalang miyembro ng Philippine Marines.
Ayon sa ahensya, nakadepende ito sa magiging takbo ng isinasagawang imbestigasyon.
Samantala, nagpadala ng sulat ang Office of the Ombudsman kay Atty. Levi Baligod upang isumite ng mga dating sundalo ang magkakabukod na affidavit.

Tatlong kondisyon ang ibinigay ni Iranian President Masoud Pezeshkian para itigil ng Iran ang mga pag-atake nito sa kanilang mga kalaban.
Samantala, nanindigan ang United Arab Emirates na patuloy itong didepensa kahit hindi naman sila kasali sa giyera ng US-Israel at Iran.

Isinagawa kanina ang unang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Office of Civil Defense para sa taong 2026.
Ngunit bukod sa nakasanayang “duck, cover, and hold,” pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang mas malawak na response at contingency plan upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo at kaligtasan ng publiko.

Naghain ng reklamo si Gabriela Women’s Party-list Rep. Sarah Elago sa Integrated Bar of the Philippines.
Hindi pinangalanan ng kongresista kung sino ang inireklamo, ngunit kamakailan ay umani ng kontrobersiya ang pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio tungkol kay Rep. Elago.

Iwasan ang panic buying sa mga produktong petrolyo.
Ito ang apela ng Department of Energy sa publiko upang hindi maubusan ng suplay ang mga gas station.