Hindi umano nagtrabaho kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang walo sa 18 ex-Marines na sinasabing ‘bagmen’ ng dating mambabatas.
Ito ang natuklasan ng National Bureau of Investigation sa pagpapatuloy ng kanilang pagsisiyasat sa affidavit ng mga ex-Marines.
Kaugnay nito, posibleng ipatawag ng ahensya ang isang retired general na nag-recruit umano ng mahigit 100 security personnel upang magtrabaho kay dating congressman.






















