Hindi lamang agresyon sa dagat kundi pati propaganda ang patuloy na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Navy, asahan nang magpapatuloy pa ito ngayong taon, kaya mas pinaigting ng Pilipinas ang paghahanda at mas maraming pagsasanay pa ng Sandatahang Lakas kasama ang mga kaalyadong bansa.






















