
Iginiit ng Palasyo na may sinusunod na due process sa pagpapapanagot sa mga sangkot sa flood control projects anomaly.
Ito ang binigyang-diin kasunod ng pagsuko ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng umano’y ghost project sa Pandi, Bulacan.
Ayon sa Malacañang, mananagot ang lahat ng sangkot sa isyu, kahit pa sila ay kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sumuko na kagabi sa Philippine National Police si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang matatanggap na special treatment ang dating mambabatas at paiiralin ang pantay na pagpapatupad ng batas.

- Sumukong dating Sen. Bong Revilla, dinala na sa Sandiganbayan
- Cong. Adiong: Reklamong impeachment vs. PBBM, kulang sa ebidensiya, paghahain ng impeachment complaint vs VP Sara, tinawag namang ‘fund raising’
-Laman ng kumpirmadong dokumento na hawak ni Cong. Leviste, ilalahad sa susunod na Senate hearing

Nanawagan si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ng snap election kasabay ng pagbuwag ng parlyamento. Nakatakdang ganapin ang snap election sa February 8

Inimbitahan si Russian President Vladimir Putin na sumali sa US-led Board of Peace na pinamumunuan ni US President Donald Trump, na layong resolbahin ang mga pandaigdigang digmaan at pangasiwaan ang reconstruction at governance sa Gaza strip sa Palestine.