
Kanselado ngayon ang biyahe ng mga barko sa ilang mga pantalan dahil sa banta ng Bagyong Ada.
Para sa kumpletong listahan ng mga kanseladong biyahe maaaring i-check ang mga social media sites ng Philippine Ports Authority.

Pinag-iingat ngayon ng Baguio City government ang publiko matapos na ma-hack ang mobile number ni Mayor Benjamin Magalong na anila'y ginagamit ngayon upang makapanloko.

Nasa Cebu ngayong umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang official event.
Nangako ang Pangulo na pananagutin ang mga nasa likod ng nangyaring trahedya sa Binaliw landfill.

Panibagong grupo ang nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kina Executive Secretary Ralph Recto at dating PhilHealth President Emmanuel Ledesma.
Kaugnay pa rin ito ng 60 billion pesos illegal fund transfer ng PhilHealth sa National Treasury.

Ipinagtanggol ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ang itinatag niyang solar energy company.
Ito ay matapos ipahayag ni Energy Secretary Sharon Garin na pumalya ang Solar Philippines na mag-produce ng kuryente na commitment nito sa pinagkasunduang timeline.