
Panibagong grupo ang nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kina Executive Secretary Ralph Recto at dating PhilHealth President Emmanuel Ledesma.
Kaugnay pa rin ito ng 60 billion pesos illegal fund transfer ng PhilHealth sa National Treasury.

Ipinagtanggol ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ang itinatag niyang solar energy company.
Ito ay matapos ipahayag ni Energy Secretary Sharon Garin na pumalya ang Solar Philippines na mag-produce ng kuryente na commitment nito sa pinagkasunduang timeline.

Natunton at nasamsam ng mga awtoridad ang ilang luxury o mamahaling sasakyan na umano'y pag-aari ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa pamamagitan ng isang indibidwal na nag-walk in at nagbigay ng impormasyon.

Nais linawin ni Senador Panfilo Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee ang ilang isyu sa flood control controversy kabilang na ang umano’y planong pag-recant ng tinaguriang BGC boys.

Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind signal number 1 dahil sa bagyong Ada, habang papalapit ng bansa.
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas o sa Bicol Region.