Back

UNTV News and Rescue

0:47
Politics

PhilSA, may babala sa toxic substance sa debris ng Chinese rocket na posibleng bumagsak sa PH

January 20, 2026 4:20 PM
PST

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) na posibleng bumagsak sa Pilipinas ang rocket debris ng China.

Ayon sa PhilSA, maaaring bumagsak ang rocket debris sa bahagi ng Puerto Princesa sa Palawan o sa Tubbataha Reefs Natural Park.

1:22
Politics
Crime & Investigation

Inaasahang panibagong impeachment case vs VP Sara, tinawag na ‘fund raising’

January 20, 2026 4:15 PM
PST

Tinawag na fundraising ni Vice President Sara Duterte ang banta ng panibagong impeachment complaint na ihahain laban sa kaniya sa House of Representatives.  Inaasahan na aniya niya ang paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa kaniya.

1:43
Politics

Cong. Adiong: Reklamong impeachment vs. PBBM, kulang sa ebidensiya

January 20, 2026 4:12 PM
PST

Naniniwala si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong na kulang sa ebidensiya ang reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakalinya ang pahayag na ito sa naunang sinabi ni House Speaker Bojie Dy III na wala itong nakikitang batayan sa reklamo.

1:04
Crime & Investigation

Dating DPWH officials Brice Hernandez at JP Mendoza, inaresto ng NBI

January 20, 2026 4:10 PM
PST

Inaresto ng National Bureau of Investigation sa senado kagabi sina Brice Ericson Hernandez, dating Assistant District Engineer ng DPWH Bulacan, at Jaypee Mendoza, dating construction Section Chief.

Ang pag-aresto ay base sa warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan 3rd Division kaugnay ng isang umano'y “ghost” flood control project sa Bulacan.

0:46
Crime & Investigation
Politics

Cong. Jolo Revilla, nanawagan ng patas na pagtrato para sa amang si Ex-Sen. Bong Revilla

January 20, 2026 4:05 PM
PST

Nanawagan si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla ng patas na pagtrato sa ilalim ng batas para sa amang si dating Senator Bong Revilla.

Giit ng Kongresista, ang kusang pagsuko ng ama sa mga awtoridad ay isang matinding hakbang para harapin ang mga akusasyon laban sa kaniya.