
Pinatunayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na totoo ang ilan sa Cabral files na hawak ni Representative Leandro Leviste.
Kaugnay nito ay sinabi ni Senador Lacson na maaaring ipagpatuloy ni Congressman Leviste ang paglalahad ng detalye ng mga kumpirmadong dokumento sa mga susunod na public hearing ng komite.

Naglabas ng reaksyon ang Office of the Ombudsman kaugnay sa naging pahayag ni Curlee Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon na pakiramdam umano nito ay ninakawan siya nang hilingin ang restitution kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

Maayos naman daw na nakapagpalipas ng gabi sa loob ng Kampo Crame si dating Sen. Bong Revilla.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II, sumailalim ang dating senador sa medical check up at booking procedure gaya ng ordinaryong akusado.

Kinumpirma ni DILG Sec. Jonvic Remulla na dinala na si dating Senador Bong Revilla sa Sandiganbayan 3rd Division para sa return of warrant.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/