Back

UNTV News and Rescue

3:06
Politics

Nationwide transport strike ng PISTON, tuloy bukas

March 18, 2026 11:15 PM
PST

Itutuloy bukas ng grupong PISTON ang nationwide transport strike bilang protesta sa pagsuspinde sa fare hike at patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Tiniyak naman ng LTFRB na may sapat na sasakyan para sa mga stranded commuter habang nagpapatuloy ang kilos-protesta.

3:00
Politics

Pagtatayo ng oil reserve facility ng militar, iminungkahi ng DND

March 18, 2026 11:12 PM
PST

Iminungkahi ng Department of National Defense ang pagtatayo ng imbakan ng langis para sa operasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa nagpapatuloy na krisis sa langis dulot ng giyera sa Middle East.

Ayon sa opisyal, kailangan ding palakasin ang anti-missile system ng bansa habang binabantayan ang posibleng epekto ng tensyon sa rehiyon.

0:49
Politics

China, magpapadala ng humanitarian aid sa Iran, Lebanon, Iraq, at Jordan

March 18, 2026 11:03 PM
PST

Magpapadala ng tulong ang China para sa mga mamamayan ng Iran, Jordan, Lebanon, at Iraq upang maibsan ang gutom, sakit, at iba pang hirap na dulot ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian, layunin ng aid na suportahan ang mga apektadong populasyon.

3:44
Politics

P200 dagdag sa daily wage, napapanahon na - TUCP

March 18, 2026 11:01 PM
PST

Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Kongreso na magpatawag ng special session upang maipasa agad ang P200 dagdag-sahod para sa mga manggagawa.

Ito ay kasabay ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis na posibleng magpataas din ng presyo ng mga bilihin.

3:29
Crime & Investigation

Comelec, itinigil na ang imbestigasyon vs. Sen. Marcoleta; 3 donor, pinakakasuhan

March 18, 2026 10:58 PM
PST

Itinigil na ng Commission on Elections ang fact-finding investigation laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng alegasyong paglabag sa mga batas ng campaign financing.

Kanina, naglabas na ang Comelec en banc ng desisyon ukol sa isinagawang imbestigasyon.