Back

UNTV News and Rescue

0:54
Politics

Sara Discaya et al., nagpasok ng not guilty sa kasong Graft at Malversation

January 13, 2026 9:45 PM
PST

“Not guilty” ang naging tugon ni Sara Discaya at 8 pang kapwa akusado nang basahan ng sakdal sa Regional Trial Court Branch 27 ng Lapu-Lapu City, Cebu.

1:24
Politics

PBBM, ipinaaaral ang mga paraan para sa repatriation ni Ex-Rep. Zaldy Co – DILG

January 13, 2026 9:43 PM
PST

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya na pag-aralan kung paano mapapauwi sa Pilipinas si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ito ay upang harapin ang kasong kinahaharap nito na may kaugnayan sa flood control project.

3:46
Politics

Palasyo, iginiit na wala pang utos si PBBM na buwagin ang Independent Commission for Infrastructure

January 13, 2026 9:42 PM
PST

Wala pang katiyakan hanggang ngayon kung may ipapalit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2 commissioner ng Independent Commission for Infrastructure na nagbitiw sa puwesto.

Kaugnay nito, ayon sa Malacañang, wala pa ring nababanggit ang Pangulo kung i-a-abolish ang komisyon.

2:39
Politics

Mga politikong lalabag sa anti-epal sa pamimigay ng cash aid, pwedeng humarap sa kaso – DILG

January 13, 2026 9:42 PM
PST

Posibleng humarap sa kaso ang mga politikong sasama o magiging bahagi ng pamamahagi ng anumang financial assistance ng pamahalaan.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government, kung magmamatigas pa rin ang mga halal na opisyal, maaari nang iakyat sa Office of the Ombudsman ang kanilang kaso.

4:24
Politics

20 opisyal at tauhan ng BFP, kakasuhan ng DILG sa Ombudsman kaugnay ng korapsyon sa ahensya

January 13, 2026 9:42 PM
PST

Bilyong piso umano ang nakukuhang kickback ng ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection taun-taon.

Ayon sa ulat, nagmumula ito sa iba’t ibang proyekto ng ahensya.

Dahil sa puspusang pagpapanagot ng pamahalaan sa mga sangkot sa katiwalian, nagpasya ang Department of the Interior and Local Government na aksyunan ang umano’y korapsyon sa BFP at magsampa ng kaso sa Ombudsman laban sa 20 opisyal at tauhan ng ahensya.