Iminungkahi ng Department of National Defense ang pagtatayo ng imbakan ng langis para sa operasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa nagpapatuloy na krisis sa langis dulot ng giyera sa Middle East.
Ayon sa opisyal, kailangan ding palakasin ang anti-missile system ng bansa habang binabantayan ang posibleng epekto ng tensyon sa rehiyon.






















