Pumalo na sa mahigit 115 dollars kada barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil pa rin sa epekto ng digmaan sa Gitnang Silangan.
Dahil dito, nagsimula nang magpatupad ng iba’t ibang hakbang ang mga bansa upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.






















