Back

UNTV News and Rescue

1:13
Politics

50% discount sa LRT-2 at MRT-3, ipatutupad simula March 23

March 19, 2026 9:32 PM
PST

Magpapatupad ng 50% fare discount ang LRT-2 at MRT-3 para sa lahat ng pasahero simula Lunes, March 23, ayon sa Department of Transportation.

Layunin ng hakbang na makatulong sa mga commuter sa gitna ng mataas na presyo ng langis at mapagaan ang kanilang araw-araw na gastusin sa pamasahe.

4:24
Politics

Biofuels Act amendments, ‘di umabot sa adjournment ng Senado

March 19, 2026 9:29 PM
PST

Hindi na umabot sa deliberasyon ng Senado kahapon ang pag-apruba sa amendments sa Biofuels Act bago matapos ang sesyon.

Na-certify bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala, habang nagpaabot ng pangamba ang ilang senador sa posibleng epekto nito sa lokal na industriya at presyo ng petrolyo.

3:06
Politics

Pinakamalaking natural gas facility sa Qatar at sa buong mundo, napinsala ng Iran

March 19, 2026 9:35 PM
PST

Nagtamo ng malawakang pinsala ang liquefied natural gas facility ng Qatar, ang pinakamalaki sa buong mundo.

Bukod sa Qatar, pinuntirya rin ng Iran ang ilang energy complex sa United Arab Emirates at Saudi Arabia.

Dahil dito, nagbabala si Saudi Prince Faisal bin Farhan Al Saud na gaganti sa pinsalang dulot ng agresyon ng Iran.

4:00
Crime & Investigation

Hindi pagsipot ni VP Sara sa House hearing, 'di hadlang sa impeachment proceedings

March 19, 2026 9:26 PM
PST

Hindi magiging hadlang sa impeachment proceedings kung hindi dumating si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Justice Committee, ayon sa isang endorser ng reklamo.

Parehong nagpahayag ang dalawang panig na natanggap na nila ang imbitasyon ng House panel para sa isasagawang pagdinig sa susunod na linggo.

4:31
Politics

Pamamahagi ng ayuda sa tricycle drivers sa NCR, palalawigin ng DSWD

March 19, 2026 9:24 PM
PST

Palalawigin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash assistance sa tricycle drivers sa National Capital Region matapos may ilan pang hindi umabot sa unang tatlong araw ng pamimigay ng ayuda.

Ayon sa DSWD, may extension pa ang payout upang mas maraming benepisyaryo ang mabigyan ng tulong.

Samantala, may ilang tricycle drivers na nakatanggap na ng ayuda ang humihiling pa ng karagdagang suporta mula sa pamahalaan.