
Magbibigay ng dagdag na tulong ang pamahalaan sa mga tsuper ng bus, jeep, at transport network vehicle services (TNVS) na naapektuhan ng pansamantalang suspensyon ng fare increase.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., posibleng mas makaapekto sa kita ng public transport operators ang pagtaas ng pamasahe kaysa makatulong sa kanilang hanapbuhay, kaya pinag-aaralan ng gobyerno ang mga karagdagang suporta para sa transport sector.

- Epekto sa impeachment sakaling magbitiw si VP Sara, ipinaliwanag ni Cong. Luistro
- Transport group, dismayado kay PBBM dahil sa fare hike suspension
- Ras Laffan facility sa Qatar, inatake ng Iran, Iranian military at security attache sa bansa, pinalayas

Nag-viral ang isang video kung saan ipinakita ng municipal police sa Madrid ang pagsasanay ng asong si Paco, ang tinaguriang 'hero dog'.
Sa isang simulation exercise, makikita si Paco na nagsasagawa ng cardiac massage CPR sa isang pulis na kunwari ay nawalan ng malay.

Kakasuhan sa Ombudsman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang apatnapu't limang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Fire Protection.
Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sangkot ang mga ito sa umano'y anomalya sa pagbili ng mga firetruck mula 2018 hanggang 2024.

Naghain ng reklamong cyber libel si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. laban kina Atty. Levito Baligod, 18 ex-Marines at dating Congressman Zaldy Co.
Kaugnay ito ng mga umano'y mapanirang pahayag sa kanya at sa kagawaran.