Magpapatupad ng 50% fare discount ang LRT-2 at MRT-3 para sa lahat ng pasahero simula Lunes, March 23, ayon sa Department of Transportation.
Layunin ng hakbang na makatulong sa mga commuter sa gitna ng mataas na presyo ng langis at mapagaan ang kanilang araw-araw na gastusin sa pamasahe.






















