Posibleng magkaharap sina U.S. President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping sa China sa susunod na buwan, kasabay ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Kasunod ito ng imbitasyon ni Putin sa dalawang lider para talakayin ang posibleng pagwawakas ng digmaan sa Ukraine.






















