
Submitted for resolution na ang reklamong inciting to sedition na isinampa ng National Bureau of Investigation o NBI laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa ngayon, inaaral pa umano ng Department of Justice (DOJ) kung tuluyan itong isasampa sa korte o ibabasura ang naturang reklamo.

Handang tumakbo bilang katandem ni Vice President Sara Duterte sa 2028 national elections sakaling ipag-utos ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakaipon na ng $7-B ang Board of Peace ni US President Trump bilang tulong para sa Gaza.
Ayon sa ulat, magbibigay pa ang Estados Unidos ng karagdagang $10-B upang suportahan ang mga relief efforts sa rehiyon.

Muling iginiit ng Malacañang na hindi kidnapping ang nangyaring pag-turnover ng pamahalaan ng Pilipinas kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Binigyang-diin din ng palasyo na hindi kailangang tutukan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mangyayaring confirmation of charges sa dating pangulo.

Naniniwala ang isang political analyst na nasa mahirap na sitwasyon ngayon si Vice President Sara Duterte kaya agad niyang inihayag ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa 2028 elections.
Kaugnay ito ng magkakasunod na reklamong impeachment laban sa kanya.
Ayon sa analyst, malinaw rin ang mensaheng nais ipaabot ng pangalawang pangulo sa mga mambabatas sa Kamara.