Posibleng magsagawa ng malawakang tigil-pasada ang iba’t ibang transport group ngayong linggo bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon sa MANIBELA, maaaring hindi lang mga jeepney ang maapektuhan, dahil posibleng lumawak ang tigil-operasyon kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng diesel.






















