
Hindi dapat maapektuhan ng maagang pag-aanunsyo ng kandidatura ni Vice President Sara Duterte ang gagawing deliberasyon ng House Justice Committee sa mga impeachment complaint laban sa kanya.
Posible ring siyasatin sa nakaambang impeachment proceedings ang bank records ni Vice President Duterte.

Isa na namang pagawaan ng iligal na sigarilyo ang sinalakay ng Bureau of Customs kasama ang iba pang law enforcement agency sa Tanza, Cavite kahapon.
Tinatayang nasa P200-M halaga ng tobacco products at equipment ang nakumpiska sa operasyon.
Naniniwala si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na hindi mga Pilipino kundi mga dayuhan ang nasa likod ng operasyon ng kartel ng sigarilyo sa bansa.

Iwasan ang mga panawagang labag sa Konstitusyon.
Ito ang paalala sa mga lalahok sa Trillion Peso March Part 3, kasabay ng ika-40 na anibersaryo ng People Power 1.
Ayon sa mga organizer, bukas sila sa paglahok ng iba pang grupo, kabilang ang supporters ng mga Duterte.

Agad na rumesponde ang UNTV News and Rescue First Responders sa isang vehicular crash na naganap sa U-turn slot sa EDSA Southbound, Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City noong gabi ng Pebrero 7, 2026.

Panoorin kung bakit nangunguna ang Pilipinas sa World Risk Index at kung ano ang mga dapat gawin para mapaghandaan ang mga panganib na dala ng natural hazards gaya ng bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan.