Mahihirapang maabot ng pamahalaan ang target nitong paglago ng ekonomiya sa 2026 sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa isang economist, posibleng sumunod ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo dahil sa patuloy na pagmahal ng produktong petrolyo.






















