
Nilinaw ng Quezon City Government na malayang magsagawa ng pagtitipon o rally ang sinomang grupo sa February 25 para sa paggunita ng People Power anniversary.
Gayunman, ayon sa QC LGU, dapat ay mayroong written notice o permit ang mga grupo mula sa lokal na pamahalaan.

Tatlong indibidwal ang napaulat na nawawala mula sa gumuhong sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal.

Nakatakdang simulan ngayong araw, February 23, ang gagawing confirmation of charges kay dating Pangulong Duterte para sa kasong crime against humanity.
Samantala, pinagbabawalan ng International Criminal Court o ICC na bisitahin ng kaniyang pamilya si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang nagsasagawa ang ICC ng mga pagdinig.

Naniniwala si Manila 6th District Rep. Benny Abante na pagtitibayin ng Kamara at maiaakyat sa Senado ang reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Mahigit sa kinakailangang bilang ng boto sa plenaryo ng Kamara ang pinaniniwalaang makukuha para maaprubahan ang resolusyong nagtatakda ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Duterte.

Balikan natin ang mga pangunahing balita sa nakalipas na linggo, dito sa Ito ang Balita: Weekend Refresh.