
Nanumpa bilang bagong director ng National Bureau of Investigation si Atty Melvin Matibag. Papalitan ni Matibag si Atty. Angelito Magno.

Nakatakdang magpulong sa Lunes, Feb. 23, sina Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Sen. Erwin Tulfo at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.

Nanindigan si Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na wala siyang natatanggap na anumang utos para maghinay-hinay sa isyu kasunod ng mainit na palitan niya ng salita sa mga opisyal ng Chinese Embassy.

Hindi pinagbigyan ng International Criminal Court pre-trial Chamber One ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-disqualify ang dalawa pang abogado ng mga umano'y biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Posibleng ilabas ng Malacañang ang resulta ng ginawang pag-aaral sa isinumiteng report ng Independent Commission for Infrastructure sa mga inimbestigang maanomalyang flood control projects.