Back

UNTV News and Rescue

1:23
Politics

Presyo ng krudo sa world market, bahagyang bumaba kasunod ng US-Iran ceasefire

April 9, 2026 4:27 AM
PST

Bahagyang bumaba ang presyo ng krudo sa Asya sa pagbubukas ng trading ngayong Miyerkules, April 8.

Kaugnay ito ng napagkasunduang dalawang linggong ceasefire ng US at Iran, kasabay ng pagsang-ayon ng Iran na buksan sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat ang Strait of Hormuz.

2:55
Politics

US at Iran, nagkasundo sa 2-week ceasefire; Strait of Hormuz, bukas na muli

April 8, 2026 9:19 PM
PST

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang tensyon sa Gulf region, nagkasundo ang United States at Iran sa pansamantalang dalawang linggong tigil-putukan, na nagresulta sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, isang kritikal na ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.

Sa tulong ng pamahalaan ng Pakistan, inaasahang magpapatuloy ang negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa Islamabad sa mga susunod na araw, bilang hakbang tungo sa mas pangmatagalang kasunduan.

2:56
Crime & Investigation

Pamunuan ng Roblox, handang higpitan ang online game para sa proteksyon ng mga bata – DICT

April 8, 2026 9:16 PM
PST

Nakahandang magpatupad ng pagbabago ang Roblox sa kanilang gaming platform upang mas maprotektahan ang mga kabataan, ayon sa Department of Information and Communications Technology.

Kabilang sa inaasahang updates sa susunod na linggo ang pag-disable ng chat at mas mahigpit na age verification para sa mga user.

1:49
Crime & Investigation

Petisyon sa Supreme Court ni VP Sara Duterte, hindi pag-iwas sa impeachment process – Atty. Poa

April 8, 2026 9:13 PM
PST

Iginiit ng defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi pag-iwas ang paghahain nila ng petisyon sa Supreme Court upang ipatigil ang impeachment proceedings sa Kamara.

Ayon kay Atty. Poa, layunin lamang ng kampo ng Bise Presidente na matiyak na ang proseso ay naaayon sa itinakda ng Konstitusyon.

2:42
Crime & Investigation

Ramil Madriaga, haharap sa impeachment hearing ni VP Sara Duterte

April 8, 2026 9:08 PM
PST

Naniniwala ang ilang mambabatas na hindi dapat katigan ng Supreme Court ang petisyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na ipatigil ang impeachment proceedings sa Kamara.

Ayon sa mga kongresista, dapat magpatuloy ang pagdinig sa mababang kapulungan, kung saan inaasahang haharap si Ramil Madriaga sa susunod na hearing.