
Kanya-kanyang paraan ang ilang manggagawa upang makatipid sa araw-araw na pamasahe sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Nanawagan naman sila sa pamahalaan na tutukan ang mga posibleng solusyon upang mabawasan ang epekto ng kasalukuyang krisis sa langis.

Sinimulan na ng Senado ang pagtalakay sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa sektor ng agrikultura.
Sa pagdinig, inihayag ng Department of Agriculture na posibleng umabot sa P75 bilyon ang mawawala sa production cost kung hindi agad makapagbibigay ng tulong ang pamahalaan.

Sumalang bilang testigo ang contractor na si Sally Santos sa pagdinig ng kasong malversation laban kina dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. at dating DPWH Engineer Brice Hernandez.
Sa kanyang testimonya, idiniin ni Santos na umano’y nakinabang si Hernandez ng malaking halaga mula sa mga government infrastructure projects sa Bulacan.

Nanawagan ang Department of Trade and Industry sa publiko na agad i-report ang hindi makatuwirang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa kagawaran, wala pa itong inaaprubahang price increase hanggang April 30.
Samantala, nagbabala ang retail sector sa posibleng hamon kung hindi magtataas ng presyo ang mga manufacturer.

Naniniwala si Energy Secretary Sharon Garin na magtatagal pa ang mataas na presyo ng produktong petrolyo kahit may dalawang linggong tigil-putukan ang Estados Unidos at Iran.
Dumalo ang kalihim sa pulong ng 13 komite sa Kamara na inatasang makipag-ugnayan sa executive branch upang makabuo ng mga hakbang laban sa epekto ng national energy emergency.