
Nagbabala ang Department of Agriculture na maaaring umabot sa 75 Billion pesos ang malulugi kung hindi matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay DA Undersecretary Asis Perez, apektado ng mataas na presyo ng krudo ang produksyon ng palay, mais, at fisheries.

Posibleng mapilitan ang ilang business owners na magsara ng negosyo kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines at Philippine Exporters Confederation, tumataas ang gastos ng mga kumpanya lalo na sa transportation habang numinipis naman ang kanilang kita.

- Vice President Sara Duterte, hiniling sa Supreme Court na ipatigil ang impeachment proceedings ng Kamara; petisyon, tinawag na desperadong hakbang ng ilang mambabatas
- Mataas na presyo ng krudo, inaasahang mananatili sa kabila ng ceasefire sa pagitan ng US at Iran — ayon kay Energy Secretary Sharon Garin
- Mas pinaigting na police visibility, ipatutupad ng Philippine National Police laban sa nakawan ng produktong petrolyo

Ginawaran ng pagkilala ng ilang institusyon sa Mindanao ang Members Church of God International o MCGI at UNTV dahil sa kanilang mga programang pangserbisyo sa publiko.
Ayon sa mga organisasyon, nakatulong ang mga initiative ng dalawang grupo sa mga residente at komunidad sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Hinihiling ng ilang transport groups na sagutin ng pamahalaan ang anumang sosobra sa ₱55 kada litro ng presyo ng krudo upang maibsan ang epekto ng taas-presyo sa sektor.
Kung hindi ito mapagbibigyan, nagbabala ang mga grupo na magsasagawa sila ng nationwide transport strike sa susunod na linggo.