Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang tensyon sa Gulf region, nagkasundo ang United States at Iran sa pansamantalang dalawang linggong tigil-putukan, na nagresulta sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, isang kritikal na ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.
Sa tulong ng pamahalaan ng Pakistan, inaasahang magpapatuloy ang negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa Islamabad sa mga susunod na araw, bilang hakbang tungo sa mas pangmatagalang kasunduan.






















