Back

UNTV News and Rescue

5:45
Politics

Lumobong unprogrammed funds, pinuna ni Supreme Court Justice Marvic Leonen sa oral arguments

April 8, 2026 9:05 PM
PST

Pinuna ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen ang malaking pagtaas ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget sa ginanap na oral arguments.

Kinuwestiyon din ng mahistrado ang paglipat ng ilang pondo mula sa mga tiyak na proyekto papunta sa unprogrammed appropriations.

2:20
Health & Lifestyle

Lalaking may sakit sa puso, tinulungan ng UNTV News and Rescue na makauwi mula sa ospital

May 5, 2026 11:17 PM
PST

Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang dalawang pasyente na makauwi sa kani-kanilang bahay matapos ma-discharge mula sa ospital.

Isa sa kanila ay lalaking may sakit sa puso, habang ang isa naman ay bagong opera at nangangailangan ng tulong sa pag-uwi.

1:35
Crime & Investigation

Mga naarestong lumabag sa ordinansa sa Metro Manila, umabot na sa halos 25,000 – PNP

April 8, 2026 9:01 PM
PST

Halos 25,000 indibidwal na ang naaresto dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa Metro Manila.

Batay sa datos ng National Capital Region Police Office, umabot na sa 24,881 ang kabuuang bilang ng mga nahuli.

Pinakamarami sa mga violator ay mga nahuling umiinom sa kalsada at naninigarilyo sa pampublikong lugar, na lumampas na sa 8,000 kaso.

2:38
Lifestyle

Pagtataas sa presyo ng produkto at serbisyo, hindi maiiwasan – business group

April 8, 2026 9:00 PM
PST

Nakipagpulong ang ilang miyembro ng gabinete sa mga business leader upang talakayin ang mga hakbang para mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Aminado ang ilang negosyante na ramdam na nila ang epekto ng sunod-sunod na fuel price hike.

3:28
Crime & Investigation

PNP, paiigtingin ang police visibility kontra nakawan ng petrolyo

April 8, 2026 8:58 PM
PST

Mas paiigtingin ng Philippine National Police ang police visibility at pagpapatrolya kasunod ng serye ng nakawan sa produktong petrolyo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Layunin nitong mapigilan ang paglala ng krimen at mapanatili ang kaayusan sa gitna ng usapin sa suplay ng langis.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, nananatiling kontrolado ang sitwasyon sa ngayon.

Gayunman, tiniyak niyang nakahanda ang pulisya na agad rumesponde sakaling maapektuhan ang peace and order dahil sa krisis sa langis.