Mas paiigtingin ng Philippine National Police ang police visibility at pagpapatrolya kasunod ng serye ng nakawan sa produktong petrolyo sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Layunin nitong mapigilan ang paglala ng krimen at mapanatili ang kaayusan sa gitna ng usapin sa suplay ng langis.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, nananatiling kontrolado ang sitwasyon sa ngayon.
Gayunman, tiniyak niyang nakahanda ang pulisya na agad rumesponde sakaling maapektuhan ang peace and order dahil sa krisis sa langis.












.jpg)









