Back

UNTV News and Rescue

1:05
Sci-tech

Orion capsule “Integrity” at apat na crew, ligtas na nakabalik matapos ang 10-day Artemis II mission

April 11, 2026 3:40 PM
PST

Matagumpay at ligtas na nakabalik sa mundo ang Orion capsule na “Integrity” kasama ang apat nitong crew matapos ang halos sampung araw na Artemis II mission sa paligid ng buwan.

3:10
Politics

Pagpapalit-pangalan ng 131 WPS features, hakbang sa paggiit ng soberanya ng Pilipinas –RADM Trinidad

April 11, 2026 3:30 PM
PST

Tinukoy ng Armed Forces of the Philippines bilang mahalagang hakbang ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng pangalang Pilipino ang 131 maritime features sa Kalayaan Island Group.
Samantala, suportado rin ng AFP ang activation ng Coast Guard District KIG bilang bahagi ng pagpapatibay ng presensya ng bansa sa West Philippine Sea.

1:30
Crime & Investigation

3 sugatan sa banggaan ng pampasaherong barko at motorbangka sa Zamboanga

April 11, 2026 2:34 PM
PST

Rumesponde ang Philippine Coast Guard sa banggaan ng MV SUG Adventure, isang pampasaherong barko, at isang hindi pa matukoy na motorbangka bandang alas-6 kagabi, April 10.

Batay sa paunang ulat, nagkaroon ng carburetor malfunction ang motorbangka na nagdulot ng pagkawala ng kontrol at biglaang pagbilis, dahilan upang sumalpok ito sa naturang barko.

3:22
Politics

Libreng krudo mula LGUs, sasagot sa patubig ng palay sa Malolos

April 11, 2026 2:30 PM
PST

Nanganganib matuyo at mamatay ang mga palay sa Malolos, Bulacan dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig mula sa National Irrigation Administration.

Bilang tugon, maglalaan ang mga LGU ng libreng krudo linggu-linggo upang mapagana ang water pumps at makakuha ng tubig mula sa ilog.

3:17
Politics

Ilang opisyal ng U.S. at Iran, nasa Pakistan na para sa ‘historic weekend talks’

April 11, 2026 2:07 PM
PST

Nasa Islamabad, Pakistan na ang ilang opisyal ng Iran at Estados Unidos para sa nakatakdang pag-uusap ngayong weekend.

Layunin ng pulong na talakayin ang pagpapababa ng tensyon sa Middle East at ilatag ang mga kondisyong maaaring pagkasunduan ng magkabilang panig.