Tinukoy ng Armed Forces of the Philippines bilang mahalagang hakbang ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng pangalang Pilipino ang 131 maritime features sa Kalayaan Island Group.
Samantala, suportado rin ng AFP ang activation ng Coast Guard District KIG bilang bahagi ng pagpapatibay ng presensya ng bansa sa West Philippine Sea.






















