
Umabot sa mahigit P239-B ang nakolekta ng Bureau of Customs mula Enero hanggang Marso ngayong 2026.
Lumampas ito ng 1.3% sa internal target at mas mataas ng 3.3% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, batay sa paunang datos.

Kumpiyansa si Health Secretary Teodoro Herbosa na sapat ang suplay ng mga gamot sa bansa hanggang Hunyo ngayong taon.
Sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan, tiniyak din na hindi muna magtataas ng presyo ang pharmaceutical companies.

Inihayag ni MANIBELA President Mar Valbuena na hindi pa umano nababayaran ng pamahalaan ang utang nito sa ilang public utility vehicle driver at operator mula sa service contracting program noong pandemya.
Samantala, inirerekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang paggamit ng global positioning system (GPS) upang mapabilis ang payout sa mga driver.

Ipapatawag ng multi-panel ng Kamara ang mga oil industry player sa susunod na pagdinig. Ito ay kasunod ng mga concern sa matinding pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East.

Matapos ang sunod-sunod na linggong pagtaas ng presyo ng langis, inaasahang magpapatupad ng bawas-presyo ang mga oil company sa darating na linggo.