
Kumbinsido ang Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na walang bagong operasyon ng POGO sa bansa.
Kasunod ito ng sunod-sunod na pagkakadiskubre sa mga ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa Pampanga.

Walang man lang effort para kunin ang approval ng nasa one-third ng House members kaugnay ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Congressman Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylist.
Ayon kay House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor, hahayaang magsagawa ng deliberasyon ang House Justice Panel sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente, tulad ng ginawa ng komite sa impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Patuloy ang pagkwestiyon ng kampo ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa jurisdiction ng Sandiganbayan sa kasong malversation na isinampa ng Ombudsman laban sa kanya.
Sa arraignment ng kaso kanina, hindi nagbigay ng plea si Revilla.
Pinagbigyan naman ng anti-graft court ang hiling niya na makapaghain ng motion for reconsideration sa resolution ng Ombudsman.

Nagsumite na ang Department of Public Works and Highways ng dalawang bagong manifestation sa Office of the Ombudsman.
Kaugnay ito ng ilang high profile individuals na isinama ng DPWH sa reklamo hinggil sa kontrobersyal na flood control project sa Davao Occidental.

Isasailalim na sa General Court-Martial ang isang opisyal ng militar na si Col. Audie Mongao upang sampahan ng pormal na reklamo.
Kaugnay ito ng umano’y paglabag sa Articles of War matapos ang kanyang social media post na itinuring na paglapastangan sa Pangulo, na siyang Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas.