
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na anumang kasunduan sa oil at gas exploration sa China o ibang bansa ay susunod sa Konstitusyon at batas ng Pilipinas.

Umaapela sa pamahalaan ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na mamagitan sa panukalang pagpapatupad ng bawas-taripa sa mga imported na produktong agrikultura, sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Pormal nang inihain nina Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III at Majority Leader Sandro Marcos ang panukalang batas na tutugon sa gitna ng energy emergency situation ng bansa.
Tinatawag itong Kalinga Bill o Komprehensibong Alalay sa Livelihood, Inflation, Negosyo, and Goods Assistance.

Maaaring ianunsyo na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong linggo ang magiging desisyon hinggil sa gagawing suspensyon o pagbabawas sa ipinapataw na fuel excise tax.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-anunsyo ng malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon kay Pangulong Marcos, may iaanunsyo pa siya sa mga susunod na linggo ukol sa mga gagawin pang hakbang ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.