
Tiwala ang kampo ni Vice President Sara Duterte na mapatutunayang walang katotohanan ang mga alegasyon ni Ramil Madriaga laban sa Pangalawang Pangulo.
Ayon sa isa sa mga abogado ni VP Duterte, ito ang weakest link o pinakamahinang testigo kung ihaharap sa impeachment proceedings ng Kamara.

Magkakatulong ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa nararamdamang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ito ang pinagtibay sa ginanap na 13th ASEAN Finance Ministers’ and Central Bank Governors’ Meeting na pinangunahan ng Pilipinas.

Nag-anunsyo ang China ng sampung bagong insentibo para sa Taiwan, kabilang ang pagpapaluwag sa turismo, pagpapalabas ng mga TV drama, at pagpapadali ng bentahan ng pagkain.
Kasunod ito ng pagbisita ng lider ng oposisyon sa China at pakikipagpulong nito kay Chinese President Xi Jinping.

Nagbabala si US President Donald Trump sa China sa umano’y plano ng Beijing na magpadala ng armas sa Iran.
Ayon kay Trump, haharap sa malaking problema ang China kung itutuloy nila ang naturang hakbang.

Matapos ang mahigit 20 oras na negosasyon, nabigo ang mga kinatawan ng Estados Unidos at Iran na makabuo ng isang kasunduan para tapusin ang digmaan sa Gitnang Silangan.
Nananatiling walang kasiguraduhan ang hinaharap ng ceasefire habang lumalalim ang hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig.