
Nadakip ng Bureau of Immigration ang dalawang Japanese national na pugante sa kanilang bansa.
Ayon sa mga awtoridad, sangkot ang mga ito sa kasong fraud.

Inirekomenda na ng Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM kay Philippine National Police Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na isalang sa pre-charge investigation ang mga opisyal ng Philippine National Police Academy o PNPA.
Ang rekomendasyon ay kasunod ng nangyaring hazing sa ilang 4th class cadet noong April 3 kung saan 22 ang naging biktima.

Mariing pinalagan ng Malacañang Press Corps ang mga alegasyon na sila ay nagpapagamit o nababayaran para pagtakpan ang tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nanumpa na bilang bagong presidente ng Partido Demokratikong Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban si Davao City Mayor Baste Duterte noong Sabado.

Hinamon ng isang House Justice Committee member si Vice President Sara Duterte na gibain ang kredibilidad ni Ramil Madriaga sa isasagawang pagdinig ng House panel sa reklamong impeachment.