Inirekomenda na ng Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM kay Philippine National Police Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na isalang sa pre-charge investigation ang mga opisyal ng Philippine National Police Academy o PNPA.
Ang rekomendasyon ay kasunod ng nangyaring hazing sa ilang 4th class cadet noong April 3 kung saan 22 ang naging biktima.






















