
- Vice President Sara Duterte, inakusahang sinungaling ni Ramil Madriaga; ₱125-M confidential funds, naubos umano sa loob ng isang araw
- ₱10 diskwento kada litro ng langis para sa mga public utility vehicle, epektibo na sa 52 gas stations sa Metro Manila
- Suspensyon ng excise tax sa diesel at gasolina, ipinagpapaliban muna ng Marcos administration

Daan-daang responder ng UNTV News and Rescue ang nakilahok sa isinagawang command conference para sa National Capital Region at Southern Luzon.
Kabilang sa mga dumalo ang pinakamatandang miyembro ng grupo na 84-anyos na rescuer, na patuloy na nagbibigay ng serbisyo at inspirasyon sa kapwa boluntaryo.
Nagbahagi rin ng mensahe sa kabataan ang lolo rescuer hinggil sa kahalagahan ng pagtulong at paglilingkod sa kapwa.

Dalawang magkahiwalay na insidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue team.
Isang buntis na nurse ang nahilo sa isang mall sa Tacloban City, habang isang mag-asawa sa Negros Occidental ang nagtamo ng mga sugat matapos umanong bugbugin ng tatlong lalaki.

Nanawagan ang United People's Initiative na ilabas ang medical records ni Ferdinand Marcos Jr. upang maiwasan ang instability at paglaganap ng fake news sa gitna ng krisis sa langis.
Gayunman, ayon sa isang constitutional lawyer, maaari lamang hilingin ang pagsasapubliko ng medical records ng Pangulo kung mapapatunayang may malubha itong karamdaman.

Nilinaw ng Commission on Elections na wala itong kapangyarihan na makialam sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE para magamit ang pondo sa gitna ng krisis.
Ayon sa Commission on Elections, sakaling ma-postpone ang halalan, hindi maaaring ilipat o gamitin sa ibang layunin ang pondong nakalaan para dito.