Daan-daang responder ng UNTV News and Rescue ang nakilahok sa isinagawang command conference para sa National Capital Region at Southern Luzon.
Kabilang sa mga dumalo ang pinakamatandang miyembro ng grupo na 84-anyos na rescuer, na patuloy na nagbibigay ng serbisyo at inspirasyon sa kapwa boluntaryo.
Nagbahagi rin ng mensahe sa kabataan ang lolo rescuer hinggil sa kahalagahan ng pagtulong at paglilingkod sa kapwa.

























