
Mariing tinutulan ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang planong pagtatayo ng oil facility ng Estados Unidos sa kanilang lugar.
Nauna nang nagpahayag ng suporta ang Armed Forces of the Philippines sa nasabing plano, at tiniyak na mananatili itong kontrolado ng Pilipinas

Tuloy ang imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service sa nangyaring hazing sa dalawampu't dalawang kadete ng Philippine National Police Academy noong April 3.
Partikular na tinutukoy ng ias ay kung bakit delayed o hindi agad inireport kay pnp Chief pgen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang nangyaring hazing.

Nagbigay si Chinese President Xi Jinping ng apat na proposition upang mapanatili at isulong ang kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan.
Nakahandang rin umanong makipagtulungan ang China upang magbigay ng oportunidad sa mga bansang nasa rehiyon.

Nagsimula na rin ang implementasyon ng service contracting, program sa mga ruta sa labas ng Metro Manila ayon sa Department of Transportation.
Nilinaw naman ng kagawaran na 500 pesos lang kada buwan ang renta ng Global Positioning System (GPS) sa programa.

Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Council na pansamantalang suspindihin muna ang pagpapatupad ng pass-through fees sa mga sasakyang naghahatid ng mga produkto gaya ng pagkain at langis.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, hindi lang pass-through fees ang suspendido kundi maging ang iba pang delivery fees na ipinapataw ng mga LGU.