
Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan ng Sakumono Tema West Municipality sa bansang Ghana sa isinagawang ocean care activity ng Members Church of God International o MCGI.
Nagtipon ang mga youth volunteer ng grupo upang mag-alis ng mga basura na nagiging dahilan ng pagkakasakit sa lugar.

Mahigit 17,000 sundalo mula sa 7 bansa ang nakatakdang magsama-sama para sa taunang “Balikatan” military exercises.
Ito ay magsisimula sa darating na April 20 at tatagal hanggang May 8, na itinuturing na isa sa pinakamalaking edisyon ng nasabing pagsasanay.

Inilabas ng Bureau of Internal Revenue ang listahan ng mahigit sa 2,000 klase ng mga gamot na pawang mga exempted sa Value-Added Tax o VAT.
Ito ay sa ilalim ng Republic Act No. 10963 o TRAIN Law at Republic Act No. 11534 o CREATE Act.

Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC na maaari pa ring matuloy ang pag-ban sa online gaming platform na Roblox sa bansa.
Ito ay kung mabibigo ang kumpanya na tuparin ang kanilang mga pangako para sa kaligtasan ng mga kabataang Pilipino na gumagamit nito.

Humiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court Appeals Chamber na payagan itong hindi dumalo sa pagbasa ng desisyon ng ICC sa April 22.
Ayon sa kanyang mga abogado, pumayag si Duterte na katawanin na lamang siya ng kanyang legal counsel sa pagdinig.