
Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC na maaari pa ring matuloy ang pag-ban sa online gaming platform na Roblox sa bansa.
Ito ay kung mabibigo ang kumpanya na tuparin ang kanilang mga pangako para sa kaligtasan ng mga kabataang Pilipino na gumagamit nito.

Humiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court Appeals Chamber na payagan itong hindi dumalo sa pagbasa ng desisyon ng ICC sa April 22.
Ayon sa kanyang mga abogado, pumayag si Duterte na katawanin na lamang siya ng kanyang legal counsel sa pagdinig.

Nasa kustodiya na ng Office of the Ombudsman ang dalawang luxury vehicles na pagmamay-ari ng dating opisyal ng Department of Public Works and Highways na si Brice Hernandez.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na imbestigasyon hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Patuloy ang Office of the Ombudsman sa imbestigasyon sa mga nasasangkot na public officials sa korapsyon, lalo na sa mga dawit sa mga anomalyang nagtatago sa likod ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Humarap sa pagdinig ng House Justice Committee si Atty. Michael Poa noong Martes, Abril 14.
Ito ay hindi bilang isa sa defense counsel ni Vice President Sara Duterte kundi upang sumunod sa compulsory process matapos siyang ipa-subpoena kaugnay ng isinasagawang pagdinig sa mga alegasyon ng impeachable offense laban kay VP Duterte.