
Mabibigat ang alegasyon ni Ramil Madriaga hindi lang kay Vice President Sara Duterte kundi maging sa ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Mariin namang pinabulaanan ng isa sa mga kaalyado ng dating pangulo ang mga akusasyon ni Madriaga.

Pinagtibay ng Commission on Audit (COA) ang pinal na desisyon nito na isantabi ang apela ni Vice President Sara Duterte at iniutos ang pagsasauli ng 73.28 milyong piso ng confidential funds na ginastos noong huling bahagi ng 2022 matapos makitaan ng iregularidad.

Patuloy ang Office of the Ombudsman sa imbestigasyon sa mga public officials na nasasangkot sa korapsyon, lalo na sa mga dawit sa mga anomalyang nagtatago sa likod ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte batay sa pinakabagong resulta ng Tugon ng Masa Survey ng Octa Research.
Isinagawa ang survey mula March 19 hanggang March 25 ngayong taon.

Nagbigay ng reaksyon si Vice President Sara Duterte sa mga naging pahayag ng self-confessed bagman nya na si Ramil Madriaga.
Tinawag nya rin ‘pang-aabuso’ at may ‘bahid-korapsyon’ ang patuloy na impeachment proceedings ng Kamara laban sa kanya.