Isinisi ng Malacañang sa umiiral na sigalot sa politika sa bansa ang pagkabigo ng Pilipinas na makuha ang non-permanent seat sa United Nations Security Council.
Nanawagan din ang Palasyo sa mga senador na ayusin ang kanilang hidwaan, na anila'y nakaaapekto na sa reputasyon ng bansa sa international community.






















