Back

UNTV News and Rescue

4:03
Weather & Environment

El Niño alert, itinaas; mas mainit na panahon, posibleng maranasan sa Hunyo hanggang Agosto – PAGASA

April 22, 2026 9:32 PM
PST

Itinaas na ng PAGASA ang El Niño alert kasunod ng nakikitang mataas na posibilidad ng pag-iral ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa PAGASA, posibleng maranasan ang mas mainit at mas tuyong panahon mula Hunyo hanggang Agosto. Gayunman, maaari rin itong magdulot ng malalakas na ulan at bagyo sa pagsapit ng Setyembre.

0:50
Politics

Japan, papayagan na ang export ng heavy weapons sa mga kaalyadong bansa

April 22, 2026 9:30 PM
PST

Sa unang pagkakataon matapos ang World War II, opisyal nang inalis ng Japan ang restriksyon sa pagbebenta ng armas at defense assets.

Mahigpit ang batas ng Japan sa usaping depensa bilang bahagi ng prinsipyo nito bilang isang mapayapang bansa.

3:02
Politics

Ceasefire sa Iran, muling pinalawig ni Trump; ikalawang US-Iran talks, kanselado

April 22, 2026 9:27 PM
PST

Hindi na matutuloy ang ikalawang usapan ng Estados Unidos at Iran sa Islamabad, Pakistan matapos kanselahin ang biyahe ng mga opisyal ng U.S.

Kasunod nito, muling pinalawig ni US President Donald Trump ang ceasefire upang bigyan pa ng panahon ang negosasyon, bagama't nananatiling hindi tiyak ang magiging takbo ng usapang pangkapayapaan.

4:52
Politics

Cash flow sa bank account ni VP Sara, mula umano sa drug lord na si Sammy Uy – Trillanes

April 22, 2026 9:22 PM
PST

Humarap sa impeachment proceedings ng House Justice Committee laban kay Vice President Sara Duterte ang ilang personalidad bilang resource persons.

Kabilang si dating Senador Antonio Trillanes IV na nagsabing nagmula sa isang drug lord ang mga itinatagong yaman ng bise presidente.

Ang alegasyon ni Trillanes ay pinakumpirma ng ilang mambabatas sa Anti-Money Laundering Council.

0:51
Politics

Supreme Court, pinasasagot si PBBM sa petisyon para sa hair follicle test

April 22, 2026 9:20 PM
PST

Pinagkokomento ng Supreme Court of the Philippines sa loob ng 10 araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at si Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng petisyon para sa writ of mandamus na inihain ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kabilang sa petisyon ang pagsasailalim kay Marcos sa physical at mental examination, kasama ang hair follicle drug test.