Mahigit 20 ang nasawi habang halos 100 naman ang sugatan matapos muling maglunsad ang Russia ng isa sa pinakamalawak nitong pag-atake sa kabisera ng Ukraine na Kyiv.
Tumagal nang mahigit 11 oras ang sunod-sunod na pagpapakawala ng daan-daang drone at missile na tumama sa mga residential area at iba pang imprastrakturang sibilyan.






















