Back

UNTV News and Rescue

5:27
Crime & Investigation

8 kabataan sa Marikina at Laguna na lulong sa online gaming, nasagip ng PNP

March 17, 2026 8:08 PM
PST

Ang sobrang paglalaro ng online games ay walang maidudulot na mabuti, ayon sa Philippine National Police (PNP), kasunod ng pagkakasagip sa ilang kabataan sa Marikina at Laguna na labis na naaadik sa ganitong libangan.

Pinag-iingat din ng awtoridad ang mga kabataan laban sa panganib na maimpluwensyahan ng mga extremist at maengganyong gumawa ng krimen.

4:25
Politics

Ilang transport group, hindi kuntento sa taas-pasahe na inaprubahan ng LTFRB

March 17, 2026 8:07 PM
PST

Hindi kuntento ang ilang transport group sa inaprubahang taas-pasahe sa mga jeep ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong araw.

Ayon sa kanila, kulang ito kumpara sa laki ng itinaas sa presyo ng produktong petrolyo.

5:47
Politics

Ilang miyembro ng TODA sa QC, dismayado dahil wala sa listahan

March 17, 2026 8:05 PM
PST

Nagsimula na ngayong araw ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa pamamahagi ng P5,000 cash assistance para sa mga tricycle driver na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa Quezon City, dismayado ang ilang tricycle drivers dahil wala ang kanilang pangalan sa listahan ng mga mabibigyan.

0:39
Politics

LRT-1, walang operasyon mula April 2 hanggang April 5

March 17, 2026 8:04 PM
PST

Walang operasyon ang LRT Line 1 mula April 2 hanggang April 5 upang bigyang-daan ang maintenance activities.

Ayon sa private operator nitong Light Rail Manila Corporation (LRMC), magsasagawa sila ng inspeksyon at system upgrades.

3:31
Politics

Publiko, hinikayat na gumamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon

March 17, 2026 8:04 PM
PST

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na magtayo pa ng karagdagang pasilidad upang mahikayat ang publiko na gumamit ng bisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon.

Kaugnay nito, inilunsad ng ahensya ngayong araw ang mga shower room na maaaring gamitin ng mga siklista sa ilalim ng bike-to-work program nito.