Tinawag ng isang miyembro ng House prosecution panel na pagtalikod sa pananagutan ang hindi personal na pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa unang araw ng impeachment trial.
Sa kabila nito, iginiit ng prosekusyon na handa silang iharap ang anila'y matitibay na ebidensya laban sa Pangalawang Pangulo.






















